Ambisyosang
Manunulat, ‘yan si Maria Angela Gonzales. Ako ‘yun! Ibig ko kasing maging
katulad ni JK Rowling balang araw. Hindi lang dahil gusto kong magkamal ng
limpak-limpak na salapi. Well, lahat naman tayo ay nag-aambisyon na humiga sa pera
ngunit hindi iyon ang rason ko kung bakit gusto kong pasukin ang pagsusulat. Ang
dahilan kaya ako naririto ngayon ay dahil nais kong makilala bilang isang
manunulat.
Sa
pinagtatrabahuhan kong publication, araw-araw akong gumagawa ng romance,
horror, articles at nagbibigay pa ako ng advice. Siguro naman ay nakapagbabasa
kayo ng BULGAR ano, ito ang aking ikalawang tahanan. Para sa akin, ang
kompanyang ito ang naghubog sa akin kung ano ako ngayon.Hindi ko makakamit ang
tagumpay na ito kundi dahil sa publisher, editor at mga kasamahan ko sa
kompanyang ito.
Hep, hep,
kung umarte na ako ngayon ay para bang may napatunayan na ako, ah.
Well,
kahit papaano naman ay mayroon. Aba ,
araw-araw yatang nababasa sa BULGAR ang aking mga column. At nakakatuwang
isipin na mayroon din pala akong fans. Napatunayan ko iyon dahil may mga
sumasali rin sa pa-contest naming. IYong hulaan ang titulo ng aking nobela.
Iyon nga
lang, hindi pa ito sapat para masabi kong magiging JK Rowling na ako. Alam kong
marami pa akong bigas na kakainin, bago ko ‘yun magawa. Basta ang importante ay
unti-unti ko iyong inaabot.
Paano nga
ba ang aking gagawin?
Ang site
na ito ay magpapakita ng ilan sa aking mga gawa. Sana kahit paano ay ma-appreciate ninyo ako
ang aking talento. Alam kong marami ang nakakahigit sa akin pero hindi dahilan
iyon para magmukmok ako. Sabi nga ng brother, malakas ang fighting
spirit ko at akin iyong patutunayan ngayon. Huwag lang sana kayong maba-bad trip, okay?
Kung ikaw
ay may ambisyon ding maging manunulat, maiging samahan mo ako sa aking
paglalakbay. Alam ko namang hindi lahat ng gustong magsulat ay may kaalaman sa
pagsusulat, kaya, maigi kung ibabahagi ko rin sa inyo ang kaalaman ko sa
pagsulat. O, ready ka bang ma-seminar ko?
Kung nais
mo talagang maging manunulat, kailangan mo muna ang mga ito.
Una,
pagkain. Hindi la makapagsusulat kung hindi ka kakain. Aba , kailangan ng utak natin ng sustansiya
kaya, kailangang may pagkain na nasa iyong harapan. Kaya nga, karamihan sa
manunulat ay matataba dahil habang gumagawa sila ng kuwento ay kain sila nang
kain. Kung hindi ka ready tumaba, hindi ito ang propesyon para sa'yo.
Pangalawa,
mga gamit sa pagsusulat. Kailangan mo ng papel, ball pen at computer o
kaya ay typewriter. Sigurado akong parati kang makapag-iisip ng ideya. Isulat
mo ito sa kapirasong papel kung nasa labas ka. Pagdating mo sa bahay, tipahin
mo agad sa’yong typewriter o computer para hindi mo agad malimutan. .
Pangatlo,
ang iyong imahinasyon. Ito ang pinakaimportante sa lahat. Kailangang malawak
ang iyong imahinasyon. Magagawa mong bigyan ng buhay ang isang bagay. Kaya mo
bang gawan ng kuwento ang isang bato, kulangot, lapis at kung anu-ano pang
bagay. Kung magagawa mo ito, aba, maaari kang makapagsulat.
O, lika
na, sulat na tayo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento